Ikinatuwa ng Federation of Free Farmers ang pagsasabatas ng Senate Bill 1850 at House Bill 6336 na naglalayong tanggalin na ang utang at iba pang financial liabilities ng mga magsasakang Pilipino na aabot sa P58 bilyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Leonardo Montemayor, ang Chairman ng naturang pederasyon, nasa humigit kumulang 1.17 billion hectares ang masasakop ng condonation program na magbibigay benepisyo sa 610,000 agriarian reform beneficiaries (ARBs) kung tuluyan ng maisabatas ang naturang bill.

Sa sandaling maratipikahan na ng senado at house of representatives ang naturang bill ay kokondenahin na ang mga hindi pa nababayarang utang lalo na sa amortisasyon ng lupa sa agrarian reform beneficiaries.

--Ads--

Nakita aniya ng gobyerno ang bigat na pasanin ng mga magsasaka nang isinaad sa batas ang tungkuling pagbabayad ng lupang isinalin sa kanila dahil kung hindi aniya ito kokondenahin ay aabot sa umaabot sa humigit kumulang P95,000 ang babayaran ng bawat isang magsasaka.

Itinuturing aniya nila itong malaking bagay para sa mga naturang mamamayan at imbes na bayaran pa nila ang mga lupang naisalin sa kanila ay mas maiging pagbutihin na lamang umano nila ang kanilang pagsasaka at sa ganitong paraan ay mapalakas din ang food security ng Pilipinas.

Katuwang nila rito ang Department of Agrarian Reform sa ilalim ni Secretary Conrad Estrella III at Lanbank of the Philippines dahil dito aniya naka-record ang mga unpaid amortization ng mga ARBs.

TINIG NI LEONARDO MONTEMAYOR


Kaugnay nito maganda rin aniya kung malimita ang sobrang dami ng mga middle ban ng mga agricultural products na kung saan sa bawat hakbang ay mayroong patong sa presyo na dagdag pasanin din para sa mga konsyumers.

Mungkahi nito na magkaroon ng mekanismo upang maging direkta ang pagbebenta mula sa magsasaka hanggang sa retailers at sa mga consumers.