Inihayag ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na malaki ang naging pagbabago sa pagsasakatuparan ng peace and order sa mga communist terrorist groups (CTGs) magmula nang maimplementa ang executive order no. 70 sa naganap na Massive Information and Dissemination Campaign sa Pangasinan State University Binmaley branch.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Gen. Manny Orduña, ang siyang Assistant Director General for Operation ng naturang ahensya, ang kanilang binibigyang pansin sa kasalukuyan ay ang mga paghihikayat sa mga estudyanteng makilahok sa mga rally at demonstrasyon ng pagsasagawa ng naturang aktibidad.
Bago pa man aniya magsimula ang implementasyon ng Executive order no. 70, mayroong ng 80 active na guerilla fronts at masaya nitong ibinalita na sa kasalukuyan ay lima na lamang ang naiiwang aktibo.
Prayoridad sa ngayon ng programa ng gobyerno ang patuloy na panghihikayat sa mga estudyante at mga kabataan dahil dito aniya nakatuon ang efforts ng communist terrorist groups (CTGs).
Samantala pinuri naman nito ang reception at pinasalamatan nito ang PSU Binmaley dahil sa pangunguna nito sa naturang programa.
Kaugnay nito ikinatuwa naman ni Mark Francis Valena, ang Presidente ng College of CJE Student Organization sa naturang Unibersidad ang naging programa na siyang nakapagbukas aniya ng kanilang isipan sa mga bagay na patungkol sa aktibismo bilang mga kabataan.