Isinagawa ang isang sinehan kasabay ng sunset kung saan ipinakita ang angking galing ng mga film maker sa larangan ng pagbuo ng pelikula bilang parte sa nagpapatuloy na Galila Arts Festival 2023 sa pakikipag ugnayan sa Pangasinan Youthcaster.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Pangasinan 4th district Christoper ‘toff’ De Venecia, matagumpay kung maituturing ang naturang kapyestahan dahil marami ang nakipagtulungan at sumuporta rito kung saan tampok din ang iba’t ibang artist na nagmula pa sa ibat ibang bayan.
Layon ng Galila Arts Festival 2023 na mas maipakita at maipakilala pa ang talento ng bawat kabataan lalong lalo na pagdating sa sining at kultura at mas lumawak pa ang kanilang kaisipan sa pagiging malikhain.
Ito na rin aniya ang kauna-unahang multi arts festival sa pangunguna ng mga creative communities ng kuwatro distrito ng lalawigan.
Ayon pa kay De Venecia, marami pang inihandang mga aktibidad ang kanilang ahensya para rito at inaanyayahan naman nito ang publiko na patuloy pa ring makiisa at ipakita ang pagiging malikhain.
Samantala nagsimula ang kapyestahan noong March 10 at magtatapos naman ito sa March 19, 2023, araw ng Linggo.