Naglabas ng final advisory ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) patungkol sa pagkakaroon transisyon ng panahon mula sa El Niño at ngayon sa pagpasok naman ng La Niña.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Engr. Jose Estrada Jr., ang Chief ng PAG-ASA Dagupan, sa buong Pilipinas ay hindi na naaabot ang tinatawag na normal amount of rainfall.
Ibig sabihin aniya nito na mababa ang pagbagsak ng ulan sa ilang mga probinsya at lugar, senyales aniya ito ng nalalapit na pagtransisyon ng panahon.
Nariyan pa rin naman ang mga pag-ulan lalo na sa lalawigan ng Pangasinan ngunit mayroong tinatawag na neutral transisyon na siyang magsisilbing kapalit ng kasalukuyang lagay ng panahon.
Tumataas aniya ang temperatura na nagreresulta ng paglihis ng hanging amihan na umiiral sa lalawigan.
Pagbabahagi pa nito na sa kasalukuyan ay patuloy pa ring mararanasan ng lalawigan ang maalinsangan na panahon.
Ibinahagi pa nito na ang pinakamataas na heat index na kanilang naitala magmula pa noong nakaraang taon ay 52 degree celsius.
Normal naman aniya ang nararanasang malamig na panahon tuwing umaga.
Sa darating na Marso 21, 2023, magkakaroon aniya ng first day of spring kung saan pantay ang mararanasang temperatura mula umaga hanggang gabi.
Paalala naman ni Estrada sa mga mamamayan na panatiling magdala ng pananggalang sa init at ulan at magsuot ng komportableng damit at ugaliing magdala ng tubig upang makaiwas sa heat stroke.