DAGUPAN, City- Inaasahan na ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Manaoag ang pagdagsa ng mga deboto hindi lamang ang lalawigan ng Pangasinan ng mga deboto na nanggaling pa sa mga malalayong lugar ilang linggo na lang bago sumapit ang mahal na araw.
Ayon kay Mayor Jeremy Agerico ‘Ming’ Rosario, upang mabantayan ang mga lalabas at papasok sa kanilang bayan ay mahigpit ang gagawing seguridad ng lokal ng pamahalaan ng manaoag kasama ang hanay ng kapulisan, iba pang mga uniformed personnels, at force multiplers para magbantay at magmonitor sa mga taong dadayo sa naturang bayan upang maiwasan ang anumang insidente na pwedeng mangyari.
Aniya isa din sa pinoroblema ng kanilang bayan lalong lalo na ng mga motorista kapag ganitong panahon na marami ang dumarayo sa kanilang bayan ay ang parking area pero kaya naman sinisigurado nito na magkakaroon ng maayos at magaan na daloy ng trapiko maging ang mga lugar na pagpaparkingan ng publiko.
Hindi rin naman mawawala ang pagtatalaga nila ng medical team malapit sa simbahan kung sakaling may mga taong nangangailang ng tulong medical
Inaasahan din ng akalde na malaking tulong para sa mga nasasakupan niya lalong lalo na ang mga nagbebenta ng ibat ibang produkto tulad na lamang ng mga souvenirs, kakanin at maraming pang iba na lalakas ang bentahan gayundin ang turismo sa kanilang lugar.
Dagdag pa nito, na nakaalaerto 24/7 ang mga awtoridad sa papalapit na semana santa hanggang sa pagtatapos nito upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa at matiyak na walang magiging problema. Sinisiguro rin nito ang maayos at mapayapang pagselebra sa aarw ng semana santa
Mahigpit naman na pagpapaalala sa publiko na mag doble ingat at iwasan ang makipagsiksikan at kung kinakailangan ay magsuot ng face mask dahil hindi pa rin natin nasisiguro ang mga taong pwede nating makasalamuha at hanggang ngayon ay patuloy pa rin nating nilalabang ang COVID-19.