Nagbigay ng paalala ang Commission on Election (COMELEC) Dagupan para sa mga kabataang nagbabalak na lumaban sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Comelec Supervisor Michael Franks Sarmiento, marami kasi umanong kumandidato sa nakaraang eleksyon na na-disqualify dahil sa kadahilanang hindi naabot ng mga ito ang mga kinakailangang requirements tulad na lamang ng edad at voting qualifications.
Marami kasi aniya sa mga tumakbong kandidato noon ang underage at overage at ang mayroong iba na hindi pa umano nakakapagparehistro sa syudad ng Dagupan bilang isang botante.
Ani Sarmiento na wala namang batas na nagbabawal sa pangangampanya sa mga kabataan sa kasalukuyan dahil sa Hulyo pa ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC).
Wala pa aniyang inilalabas na kwalipikasyon sa pagpili ng kandidato ngunit isa na rito na dapat notarized ang coc ng mga ito at pasok sa age qualifications sa edad na hindi bababa sa 18 at hindi rin lalagpas sa 24 sa araw mismo ng eleksyon dahil kung sakaling magkaroon ng paglabag ay maaaring makasuhan ng election offence for material misinterpretation.
Pagbabahagi pa ni Sarmiento na karamihan umano sa mga nakasuhan ay ang mga kababayang hindi pa kabisado ang kwalipikasyon.
Dagdag pa ni Sarmiento na mayroong isinaad na anti-dynasty provision ang SK Reform Law kung saan ipinagbabawal tumakbo ang isang kandidato kung mayroong siyang second degree relative na incumbent barangay, city, provincial o national official.
Samantala bukas naman aniya ang kanilang tanggapan upang ipaliwanag ang qualifications at disqualifications ng Certificate of candidacy (COC) at aniya hindi naman kabilang sa nakasaad sa SK Reform Law ang educational qualifications kundi dapat ay marunong lamang sumulat at magbasa.
Sa kasalukuyan ay marami na rin umanong nakasuhan na SK chairman at kagawad ang nakasuhan dahil sa hindi sila kwalipikado at nagsisimula aniya ito sa petisyon ng cancelation of coc at susunod dito ang preliminary investigation para alamin kung kinakailangan bang sampahan para sa election offence ang mga ito.
Pagpupunto pa nito na marami umanong lumalaban sa mga naturang posisyon para lamang makatamo ng kasikatan ngunit hindi nila alam ang responsibilidad at accountability ng pagiging SK official katulad na lamang ng paghawak ng pondo ng bayan.