Inihayag ng pamunuan ng Alliance of United Transport Organization Province-wide (AUTOPRO) Pangasinan na isa sa patuloy na problemang kanilang kinakaharap ay ang modernisasyon ng mga traditional jeepneys kung saan binigyan na lamang sila ng hanggang Marso 31.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bernard Tuliao, ang Chairman ng naturang organisasyon, kasalukuyan pa rin nilang hinihintay ang memorandum circular mula sa central office sa syudad ng Maynila dahil iba umano ang pananaw ng lalawigan ng Pangasinan dito gawa ng sakop ito ng Local Public Transport Route Plan (LPTRP) na mayroong memorandum na 2022-078.

Bagamat hindi sigurado kung kabilang ang lalawigan sa isasagawang tigil-pasada sa Lunes, ikinokonsidera pa rin ito ng kaniyang hanay subalit kumukunsulta pa rin aniya sila sa kanilang mga kasamahan sa transport sector na sa kasalukuyan ang hindi pa umano nagbibigay ng impormasyon kaugnay rito.

--Ads--

Gawa ng nalalapit na provisional authority na ibinigay sa kanila, patuloy ang kanilang panawagan sa Land Trasportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) region 1 kung mayroon pa nga bang paraan upang mabigyan pa ng pagkakataon ang kanilang hanay na magkaroon din ng pagpapalawig ng deadline ng Public Utility Vehicles (PUV) modernization.

Aniya maaari umanong magkaroon ng pagpupulong ang kanilang hanay kung ano ang aksyong maaari nilang gawin sa pagsapit ng March 31.

Nagiging maingat naman aniya sila dahil mayroon ang mga itong mga patnubay na sinusunod kung kaya’t hindi sila puwedeng basta lang sumama sa mga naturang uri ng aktibidad ngunit daing ng mga lokal na drivers at operators nais din umano ng mga itong magkaroon ng strike.

Sa kabila nito, maaari umanong may mga indibidwal na tumigil sa pasada sa darating na Lunes upang makiisa sa nationwide strike, isang bagay na hindi na umano kontrolado ng kanilang hanay.

Kung sakali mang mapagbigyan silang makiisa sa naturang aktibidad, isa sa kanilang ipapanawagan ay ang extension ng PUV modernization sa naturang lalawigan.

TINIG NI BERNARD TULIAO