DAGUPAN, CITY – Muling pinalawig ng lalawigan ng Pangasinan ang pag-iimplementa ng ban kontra sa pagpasok ng mga poultry at pork meat products dahil banta ng pagpasok ng Avian influeza at African Swine Fever.

Ayon sa inilbas na memorandum order ng provincial government, bagaman wala pang naitatalang napakasok o kaso ng naturang mga sakit sa probinsya, kanila pa rin sinisiguro ang pagbabantay sa mga quarantine checkpoints upang mainspeksyon ang mga dumadating na poultry at meat products sa lalawigan.

Matatandaang batay sa Executive Order NO. 0005, series of 2023 ay ang temporary ban ng live swine/pigs, pork, and pork by-products mula sa lalawigan ng Tarlac, Bulacan, Pampanga, Nueca Ecija.

--Ads--

Habang ang Executive Order No. 0016, Series of 2023 ay ang mandato na nag-uutos ang ilang poultry products tulad ng pato, quails, spent hens (culled), hatching eggs, pigeons, gamefowls at ready to lay pullet(rtl), at maging ang restriction ng galaw ng mga ibon at by products mula sa mga lalawigan ng Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Laguna, Sultan Kudarat, Benguet, North Cotabato, South Cotabato, Maguindanao, Isabela, Rizal, Quezon, Kalinga, Aurora, Ilocos Norte at Ilocos Sur.