Umabot na sa 38 ang naitatalang kaso ng sunog sa lalawigan ng Pangasinan magmula noong Enero 2023.
Ayon ito kay Senior Inspector Gian Gloreine Galano, ang siyang tagapagsalita ng Bureau of Fire Protection (BFP) Pangasinan.
Kadalasan aniya sa mga kaso ng sunog ay mula sa grass fire na dulot na rin ng open burning ng mga mamamayan kung saan madali itong maipakalat dahil na rin sa mainit na panahon.
--Ads--
Magandang balita naman batay dito ang kaunting bilang ng kaso ng sunog sa mga residential at structural.
Paalala naman nito sa publiko na wala ang mga itong dapat na ipag-alala dahil lagi namang nahanda ang kanilang hanay kung mayroon ang mga itong makaengkwentrong sunog sa lalawigan.