“May ilang natutuwa at mayroon namang never na natuwa.”
Ito ang eksaktong sinabi ng Legal Officer ng Dagupan Electric Corporation o DeCorp na si Atty. Randy Castilan ukol sa reaksyon ng kanilang mga konsyumer kaugnay sa pagbaba ng kanilang singil sa kuryente.
Kung ikukumpara umano ang DECORP sa ibang korporasyon ay mas mababa na ang kanilang generation rate dahil nasa P14 per kilowatt hour (kWh) lamang ito kumpara sa iba na P21 ang kanilang singil.
Saad pa nito na kung mayroon man silang pagkakaiba sa ibang korporasyon ay mayroon silang tinatawag na blended generation rate kung saan gumagamit na ang mga ito ng renewable solar at geothermal energy.
Nakadagdag din aniya sa pagbawas ng presyo ng kanilang singil ang nararanasang malamig na panahon.
Inaasahan pa aniya nila na magtutuloy-tuloy pa ang pagbaba ng kanilang singil dahil sa nararamdamang epekto ng energy development corporation.