Nangunguna ngayon ang lalawigan ng Pangasinan sa may pinakamaraming mga naitalang cyber cybercrime at cyber related crime incident sa boung rehiyong ayon sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group.

Ayon kay PCol. Domingo Soriano ang siyang PNP ACG Chief Operation Management Division na dahil sa naturang isyu ay kanilang inilunsad ang isang Provincial Cyber Response Team sa syudad ng Dagupan.

Aniya na ang anti cybercrime group ay nabuo noon pang taong 2013 ngunit naextablish lamang ang kanilang anti cybercrime unit noong 2016.

--Ads--

Pagsasaad pa nito ang mga naging reklamo sa ilang mga cybercrime incidents ng mga residente sa probinsya ay nagpupunta pa sa La Union.

At dahil aniya sa nagdaang pandemya kung saan ay may mga naipatupad na mga restriksyon ay ilang mga indibidwal ang mas pinili na lamang na hindi na ituloy pa ang kanilang mga reklamo dahil sa layo at mga naipatupad na panuntunan.

Ito aniya ang nagudyok sa kanilang hanay upang mas ilapit pa sa publiko ang kanilang mga serbisyo upang tuluyang masawata ang isyu sa mga krimeng isinasagawa online.

Punto nito na ang mga scammers ay walang pinipiling mga bibiktimahin na base sa kanilang tala isang mangingisda sa syudad ang nabiktima ng aabot sa P60,000 habang sa syudad naman ng Urdaneta ay may isang residenteng nawalan ng higit sa P100,000 dulot din ng mga scammers.

Habang sa bayan ng Binmaley ay isang residente aniya ang nagpakamatay dahil sa natanggap nitong mga pagbabanta sa kaniyang pinagkuhanang online lending company.

TINIG NI PCOL. DOMINGO SORIANO

Dagdag pa ng naturang opisyal na dahil mas inilapit na nila ang kanilang hanay sa bawat Pangasinense ay wala dapat aniyang ikatakot o ipangamba ang publiko bagkos ay agad na magtungo sa kanilang himpilan sa oras na sila ay maging biktima ng anumang klase ng cybercrime.

Samantala nagpasalamat naman ito ka Dagupan City Mayor Belen Fernandez sa pagsuporta rito at maging sa pamahalaan sa paglalaan ng higit isang bilyong piso para sa karagdagan nilang mga kagamitan sa itinayong Provincial Cyber Response Team