Ikinatutuwa ng Alkalde ng bayan ng Manaoag na si Ming Rosario ang paglaki ng bilang ng mga turistang nagtutungo sa kanilang lugar upang magsimba.

Sa panayam sa kaniya ng Bombo Radyo Dagupan, ayon aniya sa kanilang datos umaabot na sa 53,000 katao ang pumapasyal sa kanilang lugar linggu linggo.

Ngunit pakiusap nito sa mga residente ng naturang bayan na isa sa malaking hamon na kanilang kakaharapin ay kung paano pananatilihin ang mga turistang ito kaya’t pakiusap niya na alagaan ang mga ito at gumawa ng paraan upang hindi muna agad sila umuwi.

--Ads--

Sa ganitong paraan kasi aniya ay makapagbibigay ng oportunidad upang lumakas ang kanilang ekonomiya, kita ng mga negosyante sa lugar at pagkakaroon ng hanapbuhay sa mga residente ng bayan.
Pakiusap din nito na huwag namang samantalahin ang pagbibigay sa mga turista ng malaking halaga ng parking fee.

TINIG NI MAYOR MING ROSARIO


Dagdag pa nito na dahan dahan na rin nilang inoorganisa ang pagkakaroon ng Manaoag business club upang
mapakinggan din ang kanilang mga hinaing at makapag-contribute din sa pagtulong sa kaunlaran ng kanilang ekonomiya.

Bagaman sa kabila ng magandang balita sa pagtaas ng bilang ng mga mamamayang dumadalo sa kanilang lugar, isinasaayos din nila ang daloy ng trapiko.