Pinaiigting na ng Commission on Higher Education (CHED) ang kanilang monitoring sa usaping mental health kaugnay sa dumaraming bilang ng mga kaso nito sa mga guro at mga estudyante sa rehiyon uno.

Kaugnay ito ng dumaraming bilang ng mga nagpapakamatay sa naturang rehiyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Danilo Bose, ang CHED regional director, tatlo hanggang lima ang mga concerns na kanilang natatanggap kada araw sa kanila mismong opisina.

--Ads--

Madalas sa mga rason na kanilang naririnig ay umiikot sa mga pang-akademikong problema ng mga estudyante habang ang mga guro naman ay ang problema sa kanilang administrasyon.

Saad naman ni Bose na sa Student Faculty members daw muna dapat na dumaan ang mga ito at saka lamang sila tutulong kung hindi na kayang solusyunan ng eskwelahan ang naturang isyu.

Kasalukuyan na ring nagsusulong ng mga programa ang CHED upang lubos na mapagtuunan ng pansin ang mental na kalusugan ng mga estudyante at guro.

Ngayong buwan ng Pebrero aniya ay mayroon na silang naitakdang face to face monitoring sa mga eskwelahan.

Handa naman aniya silang tumugon sa mga nagnanais dumulong sa kanilang himpilan.

Bukod sa mga personal na lumalapit sa kanila, mayroon din silang natatanggap mula sa kanilang email at tugon dito ni Regional Director Bose, sinisiguro nilang nababasa nila ang mga ito.

Nakaantabay rin naman dito ang kanilang certified mediators sa rehiyon uno.

TINIG NI DANILO BOSE


Dagdag pa nito na bumaba man ang datos ng suicide na kanilang naitatala ay hindi daw maikakailang marami pa rin ang bilang nito.