Nananawagan ang pamunuan ng Alliance United Transport Organization Provincewide (AUTOPRO) Pangasinan sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magkaroon pa ng extension ang provisional authority ng mga traditional jeepney sa lalawigan ng Pangasinan.

Tinukoy ni Bernard Tulaiao, ang Presidente ng naturang ahensya na malaki ang epekto para sa mga drayber at operators sa pagkakaroon ng local public tansport route plan (LPTRP) kung saan tutungo na ang lalawigan sa modernization.

Isa na naman aniyang malaking problema ang pagbili ng mga bagong pampublikong sasakyan at saad pa nito na dito lang daw sa lalawigan mayroong ganitong ordinansa.

--Ads--

Kasalanan din daw umano ito ng public transport ng Pangasinan kung bakit hinayaan lamang ng mga ito ang naturang isyu at hindi man lang aniya idinulog sa Sangguniang Panlalawigan dahil marami ang mga maaaring mawalan ng hanapbuhay.

Nagkaroon naman daw ng konsultasyon hinggil dito bago ito maipasa ngunit ikinagulat nalang daw niya ang paglalabas ng proposed routes at existing routes na labas aniya sa kanilang kaalaman.

Dapat daw sana ay kinunsulta muna sila ng LTFRB upang madinig din naman ang kanilang hinaing tungkol sa naturang programa.

TINIG NI BERNARD TULAIAO


Sa ngayon aniya ay maaari pa namang makapamasada ang mga tradisyunal na jeepney ngunit iyon lamang mga hindi pa nage-expire ang kanilang insurance.