DAGUPAN, City- Mahalaga ang pagkakaroon ng “solid support system” ng mga taong nakakaranas ng anxiety disorder.

Ito ang isa sa mga payo ni Dr. Nhorly Domenden, isang psychiatrist at resource person sa programang Dr. Bombo hinggil sa kondisyong ito.

Ayon kay Domenden, mahalaga ang totoong pag-validate sa nararamdaman at pakikinig sa kanila sapagkat makakatulong ito sa kanila para karahapin ang kanilang mga pinagdadaanan.

--Ads--

Ang anxiety disorders ay may iba’t ibang klase na maaaring makaapekto sa pang-araw-araw na buhay ng isang tao.

Ilan sa mga ito ang panic disorder, social anxiety disorder, at phobia. Sa mga taong may ganitong karamdaman, ang takot at pangangamba ay big deal na sa kanila.

Narito ang ilang sintomas ng anxietry disorders: Palaging nagpa-panic, takot, at hindi mapakali sa kaiisip ng isang problema, hindi makatulog sa kaiisip, hindi na kayang kumalma, panlalamig, pagpapawis, at pamamanhid ng kamay at paa, nauubusan ng hininga, pag-palpitate ng puso, at pagkahilo sa kaiisip ng isang bagay.

Ang ilan sa mga halimbawa ng anxiety disorders ay generalized anxiety disorder, panic disorder, social anxiety disorder, separation anxiety disorder, at phobia sa isang partikular na bagay o pangyayari. Maaari kang makaranas ng higit sa isang klase ng karamdaman.

Para sa mga sanhi naman, maaari itong medikal na madaling mapuna ng mga doktor kagaya ng diabetes, heart disease, at drug misuse at withdrawal. Pwedeng sanhi rin ang hyperthyroidism, chronic obstructive pulmonary disease (COPD), asthma, irritable bowel syndrome (IBS), withdrawal sa pag-inom ng alcohol, anti-anxiety medications, at iba pang klase ng gamot, at tumor na nagpo-produce ng partikular na fight-or-flight hormones.

May mga kadahilanan pang pwedeng magpataas ng risk na magkaroon ka ng anxiety disorder tulad ng stress dahil sa sakit, trauma, pagkatao, ibang mental health disorder, droga at alcohol, at pagkakaroon ng kadugong may anxiety disorder.

Saad niya, hindi ito dapat isantabi lang lalo na kapag nararamdaman mo na ang mas matindi, labis, at paulit-ulit na pangangamba sa mga bagay-bagay na maaring makasasagabal o nakaaapekto na sa pang-araw-araw na gawain.

Payo naman ni Domenden, dahil may iba’t ibang pinagdadaanan ang isang tao, mahalaga na magpatingin sa eksperto para matiyak kung aling partikular na karamdaman ang mayroon ka at mas maging epektibo ang lunas na mairekomenda.