DAGUPAN, City- Nag-uumapaw ang kasiyahan ng national costume designer ni Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel sa pagkakapanalo nito sa naturang pageant.

Ayon kay Patrick Isorena, na lumikha sa Woman on the moon costume ni R’Bonne, bilang isa ring designer siya rin ay active at hands-on ito sa pakikipag-ugnayan sa kanila kahit sa proseso pa lamang ng paggawa sa kanyang national costume at maging sa iba pa nitong isinuot sa nabanggit na pageant.

Ilang buwan ring ginawa ang kanyang isinuot na Natcos kung saan mula sa 3 designs, ay napili nito ang Woman on the moon costume na maipresenta sa preliminary rounds.

--Ads--

Isinalaysay naman ni Isorena na isa sa naging hamon sa pagpapadala ng naturang costume ay ang shipment kung saan noong natapos niya ito sa kasagsagan ng holiday season ay napakamahal ang fee para dito.

Kaya naman mismong ang kanyang magulang ang kumuha ng nito sa Malate, Manila upang magamit niya ito sa kompetisyon.

Dagdag pa rito, bagaman nakakakaba man umano noong una ang kanyang pagkakapili para magdisenyo ng ginamit na national costume ng naturang beauty queen ngunit masaya sa pakiramdam na siya ang pinagkatiwalaang magdesenyo nito at maipakita ang angking talento ng mga kagaya niyang Filipino designers sa world stage.