Generally peaceful.
‘Yan ang pagsasalarawan ni PMAJ. Zynon Paiking, COP ng Pozorrubio, Pangasinan kaugnay sa kanilang naging monitoring sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Wala rin naman umanong naitalang kaso ng mga naputukan dahil sumusunod din naman aniya ang mga residente sa naturang bayan.
--Ads--
Sa kasalukuyan ay ang mga improvised device lamang ang kanilang nakukumpiska kabilang na nga rito ang boga.
Wala naman umanong nakukumpiska kaugnay sa firecracker incident.
Nakasuporta rin kasi aniya ang ibang ahensya tulad ng Bureau of Fire and Protection at Municipal risk reduction office.
Kasalukuyan pa rin naman aniya silang nakamonitor upang masiguro ang pagpapanatili ng kapayapaan at magampanan ang kanilang tungkulin.