Umabot sa 96 ang naitala ng hanay ng kapulisan na kaso ng vehicular accidents sa bayan ng pozurrobio noong 2022.


Ayon sa panayam kay PMAJ. Zynon Paiking, ang Chief Of Police ng Pozorrubio na pang sampu umano ang kanilang bayan sa buong lalawigan ng Pangasinan sa mga may pinakamaraming naitatalang vehicular accidents.


Dagdag pa nito na magmula Enero hanggang Disyembre ng taong 2022, umabot sa 96 ang kanilang naitala kaugnay sa naturang insidente.

--Ads--


Kamakailan din lamang aniya ay nasawi ang isang motoristang bumangga sa isang truck sa naturang bayan.
Aniya nasira umano ang gulong ng naturang truck kung kaya’y gumilid ito ngunit ang pagkakamali nito ay hindi nakapaglagay ng early warning device kahit pa nakapag-hazzard ito.


Nagkaayos naman aniya ang dalawang panig, dahilan upang hindi na makasuhan ang drayber ng truck.
Saad ng naturang hepe na mabilis din umano ang takbo ng motorista kaya’t bumangga ito sa nakatigil na truck.
Nasa ilalim din umano ng impluwensya ng alak ang motorista.


Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng naturang opsiyal sa publiko na maging maingat upang maiwasan ang mga kahalintulad na mga insidente.

TINIG NI PMAJ. ZYNON PAIKING