Bilang ng mga namatay sa buong bansa ng Estados Unidos umabot na sa 62 katao dahil sa patuloy na nararanasang paghagupit ng snow storm.


Samantala, libu-libo pa rin ang walang kuryente sa ilang lugar ng naturang bansa.


Ayon sa panayam kay Bombo International News Correspondent na si Bong Aralar, tinagurian itong once in a lifetime experience dahil taong 1997 pa noong huling humagupit ang halimaw na nyebe kung ituring ng bansa.
Mas matindi umano ang impact ng bagyo sa mga lugar kabilang na ang East Coast at southern part ng US dahil marami aniyang mga tao ang na-stranded sa kakalsadahan at ang ilan pa’y namatay na habang nakasakay sa kanilang mga kotse.

--Ads--


Saad ni Aralar na isang linggo na umanong nararanasan ang bagyo sa kanilang lugar at sa sobrang kapal na ng nyebe ay hindi na nila ito magawang maitabi dahil hindi rin aniya ito mabilis na matunaw.
Dagdag pa nga niya na mayroong nagpainit ng tubig ngunit nang ito’y ilabas ay agad na naging yelo. Ganito katindi ang kasalukuyan nilang nararanasan.

TINIG NI BONG ARALAR


Nagdulot ang snow storm na ito ng pagkansela ng libu-libong flight kabilang ang humigit-kumulang 4,800 noong Martes ng umaga lamang kung kaya’t libu-libong pasahero ang naiwang stranded sa mga paliparan sa buong bansa ng US.


Samantala inaasahan pa raw ang pagtaas ng bilang ng mga nasawi habang nagpapatuloy ang mga operasyon sa paghahanap at pagsagip.