DAGUPAN, Cty- Hindi beneficial.
Ito ang naging reaksyon ni Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estavillo kasama ng kababaihang magsasaka at rice watch groups ukol sa pagkakaroon ng extension ng tariff cuts na siyang utos ni Pangulong Ferdinand Bong Bong Marcos Jr.
Matagal na umano itong ginagawa ng gobyerno ngunit hindi naman daw talaga aniya ito nakatutulong sa mga local farmers bagkos nagreresulta ito ng pagkalugi at displacement dahil hindi nabibili ng tama ang presyo ng nabanggit na produkto.
Ayon kay Estavillo, nararapat na magkaroon ng konkretong intensyon ang gobyerno para mapababa ang presyo ng palay dahil maaring abutin ng 35 pesos kada kilo ng bigas ang presyo nito sa palengke.
Malaki manag kawalan sa kita sa gobyerno ang hakbang na ito ngunit ito sa ngayon ang nakikitang solusyon para sa pagtulong sa mga magsasaka sa Pilipinas.
Kaya naman imbes na mag-import ng maraming suplay ng bigas, mas maigi na suportahan ng pamahalaan ang local products nang sa gayon ay magkaroon pa rin ng sapat na suplay ng bigas sa bansa at mabigyang halaga ang pagpapagal ng mga magsasaka sa bansa.
Matatandaang pinalawig ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Executive Order 171 noong panahon ni dating pangulong Duterte para bawasan ang mga taripa sa mga inaangkat na produktong agrikultura hanggang Disyembre 2023 sa gitna ng “kakulangan sa suplay” at mataas na inflation rate.