DAGUPAN, City- Iginawad na ang Plaque of Recognition para sa Bonuan Boquig National High School bilang World’s Best School Under the Environmental Action Category sa ginanap na Awarding Ceremony ng T4 Education.

Pinuri ng DENR Regional Office 1 ang Bonuan Boquig National High School sa pagiging globally acclaimed ng T4 Education bilang World’s Best School Under the Environmental Action Category para sa pagkatalo sa 49 na iba pang mga paaralan sa buong bansa at nagbibigay inspirasyon sa tagumpay sa kanilang Mangrove Plantation project.

Tinanggap ng eskwelahan ang plaque of recognition sa pamamagitan ni BBNHS Principal Dr. Renato Santillan at naroon din sa paggawad sina DENR-1 Regional Executive Director Atty. Crizaldy M. Barcelo.

--Ads--

Dumalo rin sa awarding ceremony sina CENR Officer Chester O. Casil, Ph.D (Western Pangasinan), OIC, CENR Officer For. Rico G. Biado (Eastern Pangasinan), OIC, CENR Officer Engr. Ronnie M. Jacinto (Central Pangasinan), PENR Officer For. Raymond A. Rivera, at iba pang pangunahing opisyal mula sa BBNHS.

Ang The World’s Best School Prizes ay itinatag ng T4 Education, kasama ang Accenture at American Express.
Nilalayon nitong ipagdiwang ang mga paaralan at kilalanin at ibahagi ang kanilang mga nagawa sa buong mundo.