DAGUPAN, City- Masaya, thankful, at naging exciting ang naging resulta ng pagsusumikap ng mga estudyante mula sa isang premiere dance studio sa Dagupan City na hinirang na overall champion at top two overall scorer sa naganap na Youth Friendship Festival 2022 nitong December 1-3, 2022 sa sikat na Victoria Theatre sa Singapore kung saan nireprisinta nila ang Pilipinas.
Ayon kay Aleyana De Vera, Silver Medalist ng Classical Ballet at Gold Medalist & Overall Top 2 Scorer Contemporary Group, isang karangalan sa kanilang murang edad ang nakamit nilang tagumpay hindi lamang para sa kanilang paaralan kundi maging sa ating bansa.
Aniya, isa sa kanilang hindi makakalimutang karanasan maliban sa kanilang kampeonato ay ang makapasyal rin sa iba’t ibang tourist site sa Singapore at gayundin ang kanilang mayabong ng kultura.
Bago pa sumabak sa kanilang kompetisyon, kanilang tinutukan ang kanilang pag-eensayo gayundin ang kanilang pag-aaral.
Todo naman ang suporta na kanilang natanggap mula sa kanilang mga magulang na proud naman ngayon sa nakamiot nilang karangalan sa international stage.
Samantala, sa panig naman ni Chloe Faith Columbino, Gold Medalist & Overall Top 2 Scorer Contemporary Group, sa mga kagaya nilang may talento, huwag aniyang mahiya na ipakita o i-share ito sa iba dahil maari umano itong makapa-inspire sa ibang mga tao na nangangarap din sa kanilang mga talento.
Sa kabila ng hirap sa pag-eensayo, sinisikap umano nila na balansehin ito kasama ng kanilang pag-aaral.
Matatandaang nakatunggali ng pambato ng nabanggit na lungsod ang mga delegado mula South Korea, Singapore, Vietnam, Malaysia, Indonesia, Taiwan, United States, Canada, United Kingdom, France at iba pa, sa Youth Friendship Festival.