DAGUPAN, City- “Just enjoy the process.”

Ito ang payo ng isang Dagupenya na si Alyssa Beatriz Coquia, Top 7 sa kakatapos na Nursing Liscensure examination November 2022 sa mga estudyante na nais makamit ang kanilang minimithing pangarap sa kanilang propesyon.

Ayon kay Coquia, bagaman mahalagang sangkap sa anumang nais na propesyon ang matinding pag-aaral, mahalaga rin umano na huwag kalimutan na maglaan ng oras para sa pamilya, mga kaibigan at maging ang pagbibigay pahinga sa sarili sa oras ng matinding hamon sa pag-aaral.

--Ads--

Aniya, sa ganoong paraan ay mas makikita umano ang tamis ng mga pinaghirapang bagay para sa sarili at mahal sa buhay.

Isa rin sa ibinahagi ni Coquia mainam umano na mag-compile na ng mga aralin sa pagsisimula pa lamang ng kolehiyo dahil malaging bagay ito para sa kanilang pagrereview sa board exam.

Dagdag pa rito, bago ang panibagong karangalan, nakatanggap siya ng honors noong Senior High School sa lungsod ng Dagupan at noong kolehiyo ay nagtapos ito ng bilang magna cum laude sa University of Sto. Tomas sa kursong Bachelor of Science in Nursing