DAGUPAN CITY — “Wala dapat discrimination.”


Ito ang ibinahagi ni Christopher Flores, ang tumatayong Provincial Focal Person ng PhilSys Pangasinan sa naging panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan hinggil sa paggamit ng electronic o printable version ng National ID.


Aniya na na nagsusumikap ang PSA na hikayatin ang mga public at private institutions, mga establisyimento, at iba pang mga tanggapan na tanggapin ang ipiniprisentang printed version ng mga National IDs dahil isa pa rin ito sa mga kinikilala na valid IDs.

--Ads--


Saad pa nito na alinsunod sa nakapaloob sa Republic Act 11055 o “An Act Establishing the Philippine Identification System”, na ang National ID sa kahit na anong form nito, kung ito man ay electronic o pisikal, ay kailangang tanggapin ng lahat ng establisyimento at mayroon karampatang parusa ang tatanggi o lalabag sa batas na ito.


Gayunpaman, mayroon pa rin umano silang natatanggap na mga reklamo kaugnay sa usaping ito, kung saan ang una naman umano nilang ginagawa ay ang magbigay ng impormasyon sa mga establisyimentong lumalabag sa naturang batas na nararapat lamang na tanggapin nila ang printable version ng National ID sa mga transakyon ng kanilang kostumer gayon na rin ang pagtuturo sa kanila ng nakapaloob sa batas na humahalili sa paggamit ng naturang ID.


Maliban pa riyan ay sinisuguro rin umano nila na nasasabihan at nabibigyan ng babala ang mga opisina, establisyimento, at iba pang mga tanggapan patungkol pa rin sa paraan kung paano mao-aunthenticate ang mga ipiniprisentang mga prntable version ng publiko.


Base naman sa datos ng PSA, aniya ay mayroon na silang nai-deliver sa post office noong Setyembre na kabuuang 525,000 na physical ID cards na ide-deliver naman nila sa mga munisipyo at lungsod sa lalawigan ng Pangasinan. Habang mayroon naman nang kabuuang 2,327,556 na residente ng lalawigan ang nakapagrehistro na para sa physical copy ng National ID.