DAGUPAN, City – Kaabang-abang at magiging mas matindi pa ang masasaksihang mga laro para sa nalalapit na Round of 16 ng FIFA World Cup 2022.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Efren Luigi Bendo sa Qatar na nakaatabay na ang mga football fans sa kanilang bansa para tutukan ang sagupaan ng mga nanaig na mga teams sa nakaraang eliminations ng naturang torneo.

Aniya, dahil sa mga nakaraang resulta ng mga laro kung saan ay nanalo ang ilang mga underdogs, mas nagbibigay ng marka ng pagiging unpredictable ng kabuuang edisyon ng FIFA ngayon taon.

--Ads--

Ngunit sa kanyang prediksyon, team to beat pa rin ang mga bansang France, Brazil, Portugal at Argentina na inaasahang maghaharap sa quarterfinals.

Samantala, ang mga Pinoy naman na nakabase o nagtatrabaho sa bansang Qatar ay patuloy namang ang pag-aabang sa mga nalalabing laro ng nasabing sport.

Dagdag pa rito, para sa mga kagaya niyang mga football fan, aasahan pa ang mga makapigil hiningang mga match-up para sa FIFA ngayong taon.