DAGUPAN, City- Nanghihinayang ngunit tanggap naman umano ng Qatar ang pagtatapos ng kanilang kampanya sa pagpapatuloy na kumpetisyon sa FIFA World Cup 2022.
Ayon sa Bombo International News Correspondent na si John Bonalos, ito ang unang beses na sumali ang Qatar sa naturang kompetisyon.
Bagamat nakasali aniya ang Qatar sa top of Asia, sila naman ang panghuli sa ranggong may kabuuang 50.
Nakatunggali ng Qatar ang bansang Netherlands at itong huli ang nakapasok sa mga kwalipikadong magpapatuloy sa knockout.
Samantala umabot na raw sa 80,000 ang mga taong sumubaybay sa naturang kompetisyon at ayon pa sa ating BINC bumawi naman ang Qatar sa paghahanda nito bilang host ng FIFA World Cup 2022 dahil ito aniya ang pinaka-engrande sa lahat ng nadaluhan niyang World Cup.
Matatandaan na nagtapos na ang kampanya ng host country na Qatar matapos na hindi sila papormahin ng ranked number 8 na the Netherlands 2-0 sa kanilang Group A match na ginanap sa Al Bayt Stadium.
Ang ranked number 50 na Qatar lamang ang unang World Cup host na matalo sa lahat ng tatlong group matches.
Una kasing na-eliminate ang Qatar ng talunin sila ng Senegal 3-1 noong nakaraang mga araw.