KMU

BOMBO DAGUPAN – Muling kinalampag ng Kilusang Mayo Uno ang pamahalaan para itaas ang sahod ng mga mangagagawa sa harap ng napakataas na inflation.

Ayon kay Elmer Labog, chairman ng Kilusang Mayo Uno, panawagan nila kay pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr. na kagyat na sertipikahan ang mga bills na naglalayong itaas ang sahod ng mga manggagawa.

Napapanahon na aniya na ireview ang sahod ng mga mangagagawa dahil ang mga umiiral na sweldo ng mga mangaggawa ay hindi makaagapay sa taas ng mga bilihin at serbisyo sa kasalukuyan.

--Ads--

Inihalimbawa ni Labog ang sibuyas na mala ginto ang presyo ngayon at nilampasan na rin ng presyo ng gulay ang presyo ng karne at iba pang poultry products.

Samantala, binigyan ng hanggang bukas Nobyembre 30 ng Grupong Kilusang Mayo Uno si pangulong Marcos na marinig ang kanyang tugon sa panawagan ng sektor ng mga mangagawa na itaas ang kanilang sahod.

Aniya, limang buwan na sa puwesto si Marcos sa Nobyembre 30 kung kayat hiling nila na marinig naman ang kanyang posisyon sa nasabing kahilingan dahil hindi na makaagapay ang kasalukuyang kinikita ng mga mangagagawa sa taas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Sinabi ni Labog na sila ay naniniwala na maraming option na puwedeng gawin ng pangulo katulad ng paglalabas ng executive order para kagyat na matugunan ang kahilingan ng mga manggagawa.

Giit niya na gusto man niya o hindi ay tumugon ang pangulo sa panawagan ng sektor ng paggawa dahil magpapatuloy sila sa mga pagkilos.