DAGUPAN, City- Nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Bugallon PNP para matugis ang mga suspek sa hinihinalang panggagahasa sa 22 taong gulang na babae na natagpuang wala nang buhay sa isang mini dam.

Sa ulat ng nabanggit na himpilan, ang bangkay ng biktima ay natuklasan ng isang residente ng barangay San Francisco na papunta sana sa kanyang bukid nang makita na itong palutang-lutang at wala ring anumang saplot.

Agad naman itong pinagbigay alam sa kapulisan at napag-alaman na ang biktima ay residente ng Brgy Laguit Centro sa nabanggit na bayan.

--Ads--

Batay sa nakalap nilang impormasyon, nagpaalam umano ang biktima sa kanyang ina na mayroong pupuntahan kasama ang kaniyang mga kaibigan ngunit hindi umano nito nasabi kung saan sila pupunta.

Nangangalap pa ng karagdagang detalye sa kung paano naisagawa ang naturang krimen.