Problema sa pamilya ang nakikitang pangunahing rason sa pagtalon ng 29-anyos babae sa overpass sa bayan ng Rosales na nagresulta sa pagkasawi nito.

Ayon kay PMaj. Felimon Oligo Jr. ang siyang Chief of Police ng Rosales PNP na base sa kanilang naging panayam sa malalapit na kaaanak at kaibigan ng biktima ay lagi umano nitong binabanggit na may pinagdadaanan ito sa kaniyang kinakasama.

Matatandaang kinilala ang biktima na si Arlene Soliven na kahera ng isang mall at residente ng Brgy. Rajal, Balungao.

--Ads--

Naulila naman ng biktima ang isa nitong anak at ayon pa sa naturang opisyal wala rin aniyang nakikitang anumang naging “foul play” sa naging insidente.

TINIG NI PMAJ. FELIMON OLIGO JR.

Ito rin aniya ang kauna-unahang pagkakataong naidatos ang pagtalon ng isang indibidwal sa naturang flyover.

Kaya naman paalala nito sa publiko na kung may mga problemang kinakaharap ay dapat sumanggani sa mga taong makapagbibigay sa iyo ng payo at nang malagpasan ang iyong pinagdadaanan.

Kaugnay nito ay patuloy naman aniya ang kanilang isinasagawang programa patungkol sa pagbibigay impormasyon sa mental health.

Katuwang aniya ang ilang mga religious sectors sa pagtutungo sa iba’t ibang mga barangay para magbigay ng mga leaflets na tumatalakay sa paglaban sa depresyon