Aasahan na sa loob ng dalawang linggo ay matatapos ang pagsasaayos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Pangasinan ang konstruksyon sa pagsasaayos ng bumagsak na Carlos P. Romulo Bridge sa Barangay Wawa sa bayan ng Bayambang.
Ayon sa alkalde ng bayan na si Mayor Niña Jose-Quiambao na sa oras na dumating na aniya ang mga materyales na gagamitin para sa naturang tulay ay masisimulan na ang kontruksyon para rito.
Base aniya sa pakikipagugnayan nito sa DPWH, na maaari itong matapos sa loob ng dalawang linggo
Magtatayo umano ng temporary panelled footbridge kung saan maaari lamang makadaan dito ay ang mga light vehicles.
Nagpatupad na rin aniya sila ng libreng transportasyon mula Barangay San Vicente hanggang Bayambang Municipal Hall at vice versa para sa mga apektadong manggagawa at indibidwal.
Binigyang linaw din nito na ang naturang tulay ay naitayo noon pang 1945 at isang beses pa lamang ni repair kung kaya naman hindi na dapat pang manisi ng ibang mga tao patungkol sa naganap na pagkasira nito.
Panawagan naman nito sa publiko na huwag ng magpakalat pa ng anumang mga maling balita hinggil sa nangyaring aksidente at pagtitiyak nito na ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang matugunan ang na