DAGUPAN, CITY- Dead on the spot ang mag-asawa sa lungsod San Carlos matapos mabundol at masalpok ng ambulansiya ang motorsiklong kanilang sinasakyan sa tapat mismo ng isang hospital sa nabanggit na lungsod.
Naitala ang insidente sa harap ng Pangasinan Provincial Hospital sa Brgy. Bolingit sa lungsod ng San Carlos.
Kinilala ang mga biktima na sina Elmer at Anita Salvador.
Base sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, palabas na umano ng hospital papuntang highway ang ambulansiya na minamaneho ni Arturo Magalong habang binabagtas naman ng motor na sakay ang mag-asawa sa kahabaan ng nasabing highway.
Dito na umano sumalpok ang motorsiklo sa ambulansiya na nagresulta para tumilapon ang mag-asawa sa kalsada at nagtamo ng matinding sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan na agaran nilang pagkamatay.
Naisugod pa ang mag-asawa sa hospital ng mismong driver ng subalit idineklarang dead on arrival ang mga ito.
Wala namang naitalang anumang galos ang driver.
Sa ngayon, ang driver ay nakalabas na ayon sa resolution ng city prosecutor for preliminary investigation.
Naulila ng mag-asawang Salvador ang kanilang apat na anak.
Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa ang imbesitigasyon sa naturang insidente.