DAGUPAN CITY- Bumagsak ang isang tulay bahagi ng Barangay Wawa Carlos P. Romulo sa Bayambang, Pangasinan.

Nangyari ang insidente pasado alas-3:52 ng hapon.

Sa kuha ng isang CCTV, makikita ang ilang mga sasakyan gaya na lamang ng ilang truck, tricycle at ilang mga kotse na dumadaan sa naturang tulay nang bigla itong bumigay.

--Ads--

Sa ngayon ay 4 na katao ang isinugod at nagpapagaling na sa ospital matapos na nagtamo ng sugat dahil sa insidente.

Kaugnay nito ay nagbigay naman na ng pahayag si Bayambang Mayor NiƱa Jose-Quiambao sa mga mamamayan na huwag munang damaan o lumapit mula sa nabanggit na tulay para na rin sa kanilang kaligtasan.

Matapos naman ng naturang insidente ay nag-abiso na ang LGU Bayambang ng pagsasara sa naturang tulay at ang lahat naman ng dadaan sa naturang bayan papuntang Camiling, Tarlac ay dumaan muna sa alternatibong ruta.

Batay naman sa Department of Public Works and Highways (DPWH) naitayo ang naturang tulay taong 1945.