Ikinakabahala ngayon ng isang mambabatas ang naging “house visit” ng isang hindi nakaunipormeng pulis sa isang mamamahayag na nagnanais umanong tingnan ang kapakanan ng mga media practitioner kasunod ng kamakailang pagpatay sa isang broadcaster.
Ayon kay Alliance of Concerned Teachers (ACT) Party-list Rep. France L. Castro na makapagdudulot ang naturang insidente ng “chiling effect” lalo na’t ang mga ganitong pangyayari ay ginawa rin aniya sa mga guro at miyembro ng kanilang organisasyon.
Kung kaya’t maghahain aniya sila ng resolution paa maimbestigahan ito lalo na’t ito ay paglabag sa right to privacy ng mga indibidwal.
Sa ganito rin aniyang mga insidente ay nagududulot ito ng takot at pangamba kung kaya’t dapat ito ay maitigil na nang hindi mahayaang nalalabag ang freedom of speech at freedom of expression ng mga manggagawa sa sektor ng media.
Dagdag pa nito na “very lousy’ din aniya ang tugon ng PNP na ang naturang house visit ay para sa kanilang isinasaad na para sa seguridad ng mga mamamahayag na kung titingnan lagpas isandaang katao na ang nasasawi na mga mamamahayag na siyang dapat pagtuunann ng pansin.
Matatandaang nito lamang Linggo ay nagpahayag ang mamamahayag na si John Paul “JP” Soriano sa pamamagitan ng kaniyang social media account ng pagkabahala matapos bumisita ang isang pulis sa kaniyang sariling tahanan.