Bumaba ng 46 percent ang kaso ng dengue dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Anna Maria Teresa De Guzman, sa kanilang datos mula buwan ng Enero hanggang Oktubre ngayon taon, nakapag tala ang lalawigan ng 2,370 na kaso.

Sa nasabing bilang ay pitu ang nasawi.

--Ads--

Sinabi ni D Guzman, na kumpara noong nakaraang taon sa parehong period ay nakapag tala ng 4,448 na kaso sa lalawigan kung saan lima naman dito ay nasawi.

Kaugnay nito, muling nanawagan ang opsiyal na maglinis ng kapaligiran at magtaob ng mga gulong o mga lalagyan na maaring pangitlugan ng lamok.

Kung may kaso na ng dengue sa isang lugar ay dapat magsagawa fogging.

TINIG NI DR. ANNA DE GUZMAN

Pero mas epektibo umano ang misting lalo na sa mga mga paaralan dahil tumatagal ang gamot na panlaban sa dengue