Impact of Typhoon Karding in Tarlac

Umaabot sa 15 bayan na binubuo ng 124 barangay ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Karding sa Tarlac.

Ayon kay Marvin Guiang, Acting DRRMO Officer sa Tarlac, nasa 2,165 na pamilya ang naapektuhan sa nasabing probinsya.

Tinatayang 24 pamilya o 182 indibidual naman ang inIlikas noong kasagsagan ng bagyo pero nakabalik din agad sa kanilang tahanan kinabukasan.

--Ads--

Samantala nagkaroon ng total blackout sa probinsya at kasalukuyan pa ring isinasaayos ang linya ng kuryente sa maraming lugar sa lalawigan.

Sa ngayon ay halos 89 percent na ang nakabalik supply ng kuryente.

Dagdag pa niya na nakapagtala sila ng umaabot sa 817 Million na halaga ang danyos sa agrikultura kung saan napinsala ang maraming pananim na palay, mais at gulay na malapit na sanang anihin.