Nasa sampung mga Badjao na kinabibilangan ng siyam na menor de edad at isang nasa wastong gulang na pakalat kalat sa mga lansangan ng lungsod ng Dagupan ang naturn over sa City Social Welfare and Development o CSWD sa lungsod ng San Carlos
Ayon kay Arvin Decano, POSO Chief sa lungsod ng Dagupan, hinuli ang mga ito sa tulong ng pakikipagpag-ugnayan sa Task Force Street Vulnerable.
Ginawa ang paghuli sa mga Badjao alinsunod sa executive order ni Dagupan city mayor Belen Fernandez ,dahil marami na ang natatanggap nilang mga reklamo sa mga pribadong sasakyan gayundin ang mga pasahero ng mga pampasadang jeepney
Nakakabahala umano ang ginagawa ng mga ito na tumatawid ng kalsada at sumasakay ng jeep na may kasamang bata kahit umuulan at minsan ay namimilit pa silang manghingi ng pera at kung minsan din ay nakakapanakit na rin sila ng mga tao o ibang pasahero.
Dagdag pa ni Decano, ilang beses na umano silang pinagsabihan pero pabalik balik pa rin sila.
Matatandaan noong nakaraang mga taon maraming badjao din ang nanirahan sa silong ng isang tulay sa lungsod at sila ay nanghihingi o namamalimos sa mga dumadaang mga tao at sasakyan.