PBMM

Excited na ang Filipino community sa Singapore sa pagdating doon ni pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa buwan ng Setyembre.

Ang pagbisita doon ng pangulo ay kasunod ito ng imbitasyon ni Singaporean President Halimah Yacob kay Marcos Jr. para sa state visit upang mapalakas pa ang relasyon ng dalawang bansa.

Ayon kay Bombo International Correspondent Orion Perez Dumdum mula sa Singapore, inaasahang maraming grupo ng mga Pilipino ang magtutungo sa University Cultural Centre Ho Bee Auditorium sa National University sa Singapore kung saan ay magsasagawa ito ng talumpati.

--Ads--

Bago ang meet and greet kasama ng pangulo, magsasagawa ng filipino community meeting na inisponsoran ng embahada kaya inaasahan na maraming pupuntang tao.

Sinabi ni Dumdum na nais nilang makausap ang pangulo at ipanawagan na kailangan na talaga ang pagbabago at reporma sa Pillipinas upang hindi mapag iwanan ng ibang bansa.

Kung magkaroon aniya sila ng tsansa na makausap ang pangulo ay hihilingin nila na gawing competitive ang bansa para makaakit ng mga investor nang da gayun ay dumami ang trabaho sa bansa at hindi sila manatiling OFW at hindi nalalayo sa kanilang pamilya.