Typhoon Hinnamnor

Naghahanda na ang Japan sa pagdating ng Typhoon Hinnamnor na inaasahang tatama sa islands of Okinawa.

Ayon kay Myles Briones Beltran, bombo International News Correspondent sa bansang Japan, maaring magdala ito ng napakalakas na hangin sa mga isla ng timog kanluran ng Japan.

Ayon sa Japan Meteorological Agency, may taglay itong lakas na hangin na 162 kilometro bawat oras at pagbugso na 216 kilometro bawat oras.

--Ads--

Sinabi ni Beltran na Itinuturing na ito ay napakalakas na bagyo na tatama sa bansa.

Dahil dito ay binalaan ang mga residente sa mga lugar na tatamaan nito partikular sa Okinawa na sinasabing lubhang tatamaan nito na maaring sumira sa kanilang mga kabahayan ang napakalakas na hangin.

Sa ngayon ay naghahanda na ang pamahalaan ng Japan at nagbabala din ang mga otoridad na magdudulot ng pagbaha at landslide ang nasabing bagyo.