Muling kinalampag ang pamahalaan ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ang pamahalaan na rebyuhin ang oil deregulation law.
Ayon kay Ruben “Bong” Baylon , deputy secretary general ng PISTON, ang pagpasa sa oil degulation law ang ugat ng problema sa lingguhang pagtaas sa presyo ng langis.
Sinabi ni Baylon na katuwiran noon ng gobyerno ay dadami ang player at magkakaroon ng kompetisyon at bababa ang presyo pero kabaliktaran lahat ng nangyari dahil tumaas pa lalo ang presyo ng langis.
--Ads--
Giit ni Baylon na dapat pansamantalang alisin ang EVAT at excise tax sa langis.
Dagdag pa niya na sa bawat pagtaas ng presyo ng langis ay katumbas naman nito ang pagliit ng kita ng mga drayber at pagtaas sa presyo ng bilihin.