oil price
oil

BOMBO DAGUPAN – Hindi na ikinagulat pa ng Grupong PISTON ang naging anunsyo ng ilang mga oil companies na
inaasahang panibagong pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo bukas Agosto 23.

Ayon kay Mody Florand, natioanl president ng naturang grupo kanila na umanong inasahan na matapos ang pitong sunod na rollback sa presyuhan nito noong mga nakaraang linggo ay babawiin ito sa mga susunod na buwan.

Dagdag pa nito na dahil na rin aniya sa mataas na demand ng nabanggit na supaly nito sa world market at pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar kung kaya’t mahihirapan aniyang makontrol o maibalik pa ang dating presyuhan nito noong nakaraang taon.

--Ads--

Maituturing aniya itong dagdag na naman na pasakit sa kanilang hanay lalo na’t hindi pa rin aniya nasosolusyonan ng gobyerno ang mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

Kaya naman matagal na anilang ipanapanawagan sa kasalukuyang administrasyon na tanggalin ang pagpataw sa buwis ng langis nang sa gayon ay makontrol na ang presyo nito.

Matatandaan na makalipas ang halos dalawang buwan, inanunsyo na inaasahang tataas ang presyo ng diesel ng P2.50 hanggang P2.80 kada litro ngayong linggo, habang ang presyo ng kerosene ay nakatakdang P2.70 hanggang P2.80 na pagtaas.

Ang presyo ng gasolina ay magkakaroon ng bahagyang pagtaas na tinatayang nasa pagitan ng P0.40 hanggang P0.70.