Handang handa na ang Bonuan Boquig National Highschool dito sa lungsod ng Dagupan sa pagbubukas ng klase bukas Agosto 22.
Ayon kay Renato Santillan, principal ng Bonuan Boquig National Highschool, sa kanilang tala, nadagdagan ang mga enrollees sa senior high school.
Mula sa 800 na enrolless sa senior high school ay may nadagdag na 80 na enrolled. Habang nagtala na sila ng 2,020 na enrolled sa junior highschool.
Huling araw ng enrollment sa darating na Lunes at inasahan na maabot nila ang target nilang 100 percent na enrollees sa nasabing paaralan.
Mas marami aniya ang nagka interes na pumasok ngayon dahil sa pagkakaloob na financial assistance ng DSWD sa mga mag aaral .
Paliwanag niya na sa 5 na araw na pasukan ay hahatiin ang klase sa set A at B. Aminado siya na nagkukulang sila ng silid aralan pero ginawan na nila ng paraan para maayos ang klase ng mga estudyante.