Nag-anunsyo ang Dagupan Electric Corporation (DECORP) ng tapyas sa generation rate ng humigit kumulang php0.20 sa kada kwh ngayong buwan.
Ayon kay atty. Randy castilan,legal officer ng DECORP, dahil umano ito sa sunod sunod na rollback o ang bawas presyo sa produktong petrolyo sa mga nakaraang linggo dahil rin sa unti-unting pag-gaan sa pandaidigang presyo ng langis.
Base sa komputasyon ng DECORP, bumaba sa humigit kumulang php0.20 ang singil sa kada kwh ngayong buwan kumpara noong Hulyo.
Sinabi ni Castillan na ang epekto nitong bawas sa generation rate sa overall selling rate ay bumaba rin sa humigit kumulang php13.90 ang kanilang naging average selling rate na mas mababa kumpara noong Hulyo na nasa php0.14/kwh.
Batay sa impormasyon na binigay ng DECORP, 55% ng mga planta sa Pilipinas ay mga coal-fired powerplant, kung saan dumedepende parin ang bansa sa “Coal”.
Sa kabilang dako, nagsasagawa rin ang DECORP ng plan of action upang matuganan o mapababa pa ang generation charge rate.
Ngayong buwan ay maaring magsimula na ang commercial operation ng kanilang solar plant sa bayan ng Sta. Barbara, sa lalawigan ng Pangasinan.