Kahalagahan ng wisdom o karunungan ang isa sa naging sentro ng misa ni Apostolic Nuncio Archbishop Charles Brown kasabay ng kaniyang blessing of the pedestal ng imahe ng Our Lady of Manaoag sa St John the Evangelist Cathedral sa Dagupan City .


Ayon kay Archbishop brown ito ang nagtuturo sa tao kung paano ang mahusay na pamumuhay sa tinatawag na ars di vendi o ang “art to live”.


Tinalakay din ni Archbishop Brown ang kahalagahan ng dalawang elemento ng banal na espiritu sa kapanganakan ni Hesu Kristo sa kanyang homily.

--Ads--


Aniya dalawang elemento ng banal na espiritu na kumakatawan sa buhay at sa komunikasyon, ay ang “the Spirit as the breath of God” at “the Spirit as the inspiration of communication”.


Binigyang halaga rin ni Archbishop Brown ang naging papel ng Birheng Maria bilang tinatawag na Cedis Sapiencia o ang Seat of Wisdom. Inihayag pa nito na ang Inang Mariya ang pinakamagandang halimbawa ng pagpapakita ng karunungan sapagkat tinanggap nito ang biyaya ng Diyos na dalhin sa kanyang sinapupunan ang ngayo’y kinikilala natin bilang Jesus of Nazareth.


Sinabi rin nito na naaakma ang paksa ng kanyang homily sa bagong school year na magbubukas din nitong buwan.
Humiling rin si Archbishop Brown na ipagdasal si Pope Francis at siya na rin bilang ang Apostolic Nuncio.


Mainit namang sinalubong ng libo-libong deboto ang pagdating ni Archbishop Brown dito sa lungsod ng Dagupan. Sinalubong din ito ni Archbishop Socrates Villegas sa harap ng St. John Cathedral .


Namataan din ang ilang opisyal ng lalawigan gaya ni Governor Ramon “Monmon” Guico, III, 2nd District Congressman Mark Cojuanco at 4th District Congressman Cistopher Toff De Devencia.