Humihingi ng pang-unawa ang Public Order and Safety Office o POSO sa mga dumaraang motorista sa Dawel Bridge dito sa lungsod ng Dagupan matapos isinara ang isang lane nito dahil sa nakitaan ng bitak matapos ang naganap na lindol kamakailan.

Ayon kay Arvin Decano, hepe ng Public Order and Safety Office o POSO, maaring bumigay ang tulay kapag nagkasabay sabay na dumaan ang mga malalaking sasakyan.

Hiniling niya sa mga dumaraan na huwag mainit ang ulo at magpasensya sa abala.

--Ads--

Paliwanag pa nito na kulang sila ng tauhan kapag sa araw kaya katuwang nila sa pagmamando ng trapiko ang mga barangay tanod sa lugar.

Napansin ni Decano na nagkakaroon ng trapiko sa umaga kapag ang mga sasakyan ay papasok papuntang Dagupan galing Bonuan at nagkakaroon naman ng ang malaking volume ng sasakyan bandang hapon na kapag palabas na ang mga sasakyang papuntang Bonuan.

Sa ngayon ay hindi pa malaman kung kailan uumpisahan ang pagsasaayos ng tulay pero umaasa naman ito na gagawin na ito ng mga kasapi ng DPWH upang matapos na ang nararanasang trapiko.