DAGUPAN – Itinaaas na ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Office Region I sa RED ALERT STATUS ang buong rehiyong uno matapos ang naitalang magnitude 7.3 na lindol.
Sa inilabas na advisory ng naturang tanggapan, inabisuhan na nila ang mga local agencies sa rehiyon na magsagawa ng monitoring sa kanilang area of responsibility at gayundin ang pagdalo ng emergency meetings.
Bukod pa rito, nararapat din na magasagawa ng damage assessments, pagmonitor sa abiso ng PHIVOLCS, risk communication, pagsisiguro sa pagmintina sa COVID-19 health protocols, at pagsususpende ng mga trabaho sa mga public offices kung kinakailangan.
Samantala, sa kabila ng malakas at may katagalang lindol na naranasan dito sa lungsod ng Dagupan maging sa lalawigan ng Pangasinan, ipinagpasalamat ng hanay ng PDDRMO na wala silang natanggap na report mula sa mga LGU’s na lubhang naapektuhan.
Ayon kay Ronn Dale Castillo, EOC Director, Pangasinan PDRRMO, naranasan ang 3-5intensity ang naramdaman sa lalawigan ng Pangasinan at sa kabila nito, walang reported case na naiparating sa kanilang himpilan na talagang nagkaroon ng matinding pinasala maliban sa small cracks na naitala sa mga gusali.
Kung pagbabasehan aniya ang datos ng PHILVOCS, average into 20 ang naitatalang lindol araw-araw na hindi gaanong nararamdaman at dito sa lalawigan ng Pangasinan, tinatayang nasa 2-3 ang lindol ang naranasan at sa ngayon ang maikukunsiderang pinaka malakas.
Tectonic ang origin ng naranasang lindol, at sa paliwanag ni Castillo, ibig sabhin lamang nito ay nasa kalupaan. Inilahad din nito ang kahulugan ng intensity at magnitude. Magnitude ibig sabihin ito ang lakas ng lindol mula sa origin sa epicenter, samantalang ang intensity ay ang epekto ng lakas ng lindol sa mga tao.
Sa kanilang assessment, naging alerto na ang mga residente dito sa lalawigan ng Pangasinan at naisagawa ang ilang mga paraan upang ito’y maiwasan gaya na lamang ng dock, hold and cover.
Ang lindol ayon kay Castillo ay isang natural disaster na hindi talaga maiiwasan at hindi mahuhulaan kung kailan iiral kayat nararapat na ang bawat residente ay maging handa.