Sugatan ang isang 25 taong gulang na lalaki matapos saksakin ng nakaalitan sa isang Bar sa barangay Poblacion sa Bayan ng Sual.
Ayon kay PCapt. Roger Calderon ang siyang Chief of Police ng Sual PNP na kinilala ang suspek na si Osmundo Barboza, 27 taong gulang.
Aniya kapwa mga residente ito ng Brgy Pobalcion sa nabanggit na bayan.
Lumalabas umano sa kanilang imbestigasyon na bandang 1:30 ng madaling araw noong Hulyo 24 ng nag-iinuman ang biktima kasama ang kaniyang mga kaibigan habang nag-iinuman din ang suspek at kaibigan nito sa isang Restobar sa Brgy. Poblacion.
Nag-ugat umano sa mainit na tinginan ang dalawang grupo na nauwi sa isang komprontasyon sa pagitan nila at sa hindi malamang dahilan ay sinuntok umano ang suspek ng isa sa kasamahan ng biktima.
Bigla na lamang umanong nagtungo ang suspek sa kanyang bahay at kumuha ng isang mahabang kutsilyo, pagbalik sa lugar ng insidente, hinabol at inatake ng suspek ang biktima dahilan upang magtamo ito ng tadtad sa likod na bahagi ng kanyang katawan.
Kasunod nito, dinala ang biktima sa Sual Primary Care Infirmary-facility Brgy. Caoayan para agarang mabigyang lunas ang natamo nitong sugat at sa kasalukuyan ay nagpapagaling na.
Agad namang inaresto ang suspek ng mga rumespondeng pulis at dinala sa parehong ospital para sa medikal na atensyon at mahaharap sa kasong Frustrated Homicide.
Payo naman ng naturang opsiyal sa publiko na maging repsonsable sa pag-inom ng alak upang maiwasang mangyari ang kahalintulad na insidente.