Nanawagan ngayon ang ilang mga Pilipino sa Sri Lanka ng pinansiyal na tulong kaugnay sa lumalalang krisis ekonomiya sa kanilang bansa.
Ito ngayon ang hihiling ni Bombo International News Correspondent Priscilla Wijesooriya sa gobyerno ng Pilipinas dahil umano sa mas tumitindi pang pagtaas ng mga presyo ng bilihin gayundin sa kakulangan ng ilang mga pangunahing suplay.
Aniya na sa kasalukuyan ay bilang na rin lamang ang mga sasakyang bumbiyahe dahil sa problema sa suplay ng gasolina sa kanilang bansa habang nagkakasakit na rin umano ang ilang mga residente.
Pagsasaad pa nito na wala pa silang natatanggap na anumang ayuda mula sa pamahalaan na kanilang ipinangakong magbibigay ng 300 dollars sa mga Pilipinong naninirahan sa Sri Lanka,
Problema din aniya ang mga kaliwa’t kanang mga protestang naitatala pa rin sa ilang mga lugar patrikular na sa bahagi ng Colombo upang kondenahin ang pamumuno ng ilang mga opisyal roon.