Maayos at matagumpay na nagtapos ang isinagawang voter regstration para sa Barangay at Sk Elections sa bayan ng Binmaley
Ayon kay Estrella Cave ang siyang Election Officer ng ng COMELEC Binmaley na wala silang naitalang anumang problema sa tatlong linggo pagbubukas ng kanilang opisina para sa mga nagnanais magparehistro.
Aniya na sa huling araw ng voter’s registration ay naitala ang 369 na mga aplikante na maituturing na mataas na bilang para sa kanilang inaasahang mga botante na aabot lamang sa 150 mga indibidwal kada araw.
Karamihan din sa kanilang mga naidatos na nagpaparehistro ay mga kabataang edad 15 hanggang 18 anyos.
Sa kabuuan ay nasa 3,871 naman ang kanilang naitalang aplikasyon sa buong pagbubukas ng Comelec registration para sa nalalapit na Barangat at Sk Elections sa darating na Disyembre 5.
Tiniyak din nito na bagaman hindi maiiwasan ang ilang mga paglabag sa mga health protocols, ay kanila umanong siniguro sa pagkikipagtulungan na rin sa hanay ng kapulisan, na hindi magkakaroon ng anumang hawaan ng Covid-19.
Dagdag pa ng naturang opisyal na hangga’t wala pang naibababang kautusan sa pagsususpinde sa eleksyon sa Disyembre, ay magpapatuloy ang kanilang paghahanda para matiyak na magiging maayos ang halalan.