Pinawi ng Department of Health Region 1 ang pangamba ng publiko hinggil sa nakamamatay na Marburg virus na kumitil na ng dalawang katao at kumakalat sa West Africa.
Pagsasaad ni Dr. Rheuel C. Bobis ang siyang Medical Officer IV – Ilocos Center for Health Development na sa kasalukuyan ay wala pang naitatalang kaso ng naturang virus sa bansang Pilipinas.
Aniya na hindi dapat ikaalarma ng publiko ang naturang sakit lalo na’t nakamonitor ang kanilang kagawaran upang ito ay hindi makapasok sa bansa.
--Ads--
Dagdag pa nito na pwedeng maging dahilan ito ng outbreak dahil may mataas na fatality rates na aabot sa 88%.
Ang Marburg virus ay maipapasa sa tao sa pamamagitan ng fruit bats at kakalat sa pamamagitan ng human-to-human transmission.