booster shots Pangasinan

Dapat na maalarma ang lalawigan ng Pangasinan dahil sa mababang pagtangkilik ng publiko sa covid-19 boosters vaccines.

Ito ang naging babala ni Dr. Anna De Guzman ang siyang Provincial Health Officer na bagaman nakamit na ng probinsya ang her immunity, hindi pa rin makatitiyak na magiging protektado ang publiko dahil sa mababang vaccination rates ng mga boosters.

Aniya na base na rin sa mga naging pag-aaral, malaki ang magiging proteksyon ng isang indibidwal kung ito ay mabibigyan ng karagdagang covid-19 vaccine makalipas nag apat o limang buwan na naturukan ito ng kaniyang ikalawang dose ng bakuna.

--Ads--

Bagama’t nakapagtala na ang lalawigan ng mababang kaso ng covid-19 sa mga nakalipas na buwan, inaasahang sa ikatlong quarter ng taong kasalukuyan ay malaki ang posibilidad na tumaas ang mga kaso nito dahil sa mababang booster rate.

Sa ngayon ay nagkaroon na rin aniya sila ng pagpupulong kasama ang national vaccination operatuions center o NVOC ukol sa pagbabago sa depinisyon ng fully vaccinated individual na kung saan tanging ang mga nakatanggap lamang ng kanilang unang booster ang maitutuirng na fully vaccinated.